^

PM Sports

CSB-Letran sa NCAA finale?

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng defending champion Colegio de San Juan de Letran at College of Saint Benilde na maiselyo ang paghaharap sa finals sa pagsambulat ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament Final Four ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Sasagupain ng Knights ang Lyceum of the Philippines University sa alas-3 ng hapon habang haharapin naman ng Blazers ang San Beda University sa alas-12 ng tanghali.

Nanguna ang Benilde at Letran sa pagtatapos ng eliminasyon habang nasa No. 3 spot ang Lyceum at No. 4 naman ang San Beda.

Dahil dito, nasikwat ng Knights at Blazers ang twice-to-beat advantage kung saan isang panalo na lamang ang kailangan ng dalawa para umabante sa best-of-three finals.

Ito ang ikatlong pagkakataon na maghaharap ang Knights at Pirates sa season na ito.

Nagwagi ang Pirates sa first round ngunit wala sa lineup ng Knights sina key players Brent Paraiso at Louie Sangalang dahil pinatawan ang mga ito ng suspensiyon.

Nakabawi ang Letran sa second round nang pataubin nito ang Lyceum para maitabla ang kanilang head-to-head.

Sa kabilang banda, hawak ng Blazers ang 2-0 edge sa Red Lions sa elimi­nasyon.

Subalit ibang usapan na ang Final Four.

Kaya naman pukpukan ang paghahanda ng Benilde kontra sa San Beda lalo pa’t malalim ang karanasan ng Red Lions sa semis.

“It doesn’t matter if we’ve beaten these teams sa semis, zero-zero all yan sa semis. Iba yung pressure nun. I don’t know how the guys will respond. We worked hard to be in this position so it’s a good feeling kahit papano,” ani Blazers head coach Charles Tiu.

Ito ang unang Final Four appearance ng Bla­zers sapul noong 2002.

Ipaparada ng Benilde sina  MVP contender Will Gozum, Migs Oczon at Miggy Corteza.

Kailangan namang kumayod ng husto ng San Beda upang maipuwersa ang rubber match.

Ito ang ikalawang sunod na season na walang twice-to-beat card sa  Final Four ang Red Lions.

Walang iba kundi sina James Kwekuteye, JB Bahio at Tony Ynot ang magsisilbing lider ng Red Lions.

Kung aabot sa do-or-die ang Final Four, lalaruin ito sa Biyernes.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with