^

PM Sports

HD Spikers tutok sa Finals berth

Chris Co - Pang-masa
HD Spikers tutok sa Finals berth

MANILA, Philippines — Sasarguhin ng Cignal ang tiket sa finals sa pagharap nito sa defen­ding champion Petro Gazz ngayong araw sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Maghaharap ang HD Spikers at Gazz Angels sa alas-2:30 ng hapon habang titipanin naman ng Creamline ang Chery Tiggo sa alas-5:30 ng hapon.

Lumapit sa finals spot ang HD Spikers matapos gulantangin ang Cool Smashers, 23-25, 25-23, 28-26, 25-18, noong Linggo para umangat sa 2-0 rekord.

Dahil dito, nalaglag sa 1-1 baraha ang Creamline para saluhan ang Petro Gazz na may parehong 1-1 kartada.

Laglag na ang Crossovers na may 0-2 marka.

“The whole team, from coaches to players, is so proud because, I think, it’s our first time to win over Creamline in the semifinals. So it’s a big opportunity for us to be even better in our next game,” ani Cignal head coach Shaq delos Santos.

Sasandalan ng HD Spikers si American outside hitter Tai Bierria na pumutok sa kanilang hu­ling laro.

Makakatuwang nito sina local players Angeli Araneta, Ces Molina, Roselyn Doria at Riri Me­neses habang mamanduhan naman ni playma­ker  Gel Cayuna ang setting department.

“We still have to do extra workouts and study Petro Gazz. This win (over Creamline) doesn’t mean that we have to be complacent. We have to stay all out because we’re just starting,” ani delos Santos.

Ibubuhos naman ng Gazz Angels ang buong lakas nito upang pigilan ang HD Spikers.

Galing din ang Gazz Angels sa straight-set win kontra sa Crossovers.

 

PETRO GAZZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with