^

PM Sports

Bay Area-Ginebra finale?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Ang sabi ng marami, piso tamang barko eh, hindi maaawat ang Bay Area Dragons sa pagtuntong sa PBA Commissioner’s Cup Finals.

Ang katanungan eh, sino ang makakaharap ng Dragons sa best-of-seven series.

Siyempre, umaasa ng Bay Area-Ginebra title showdown ang higanteng pulutong na maka-Gin Kings.

Siguradong patok ito sa takilya at kaya nitong pada­gundungin kahit na ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Pero kailangang lusutan ng Ginebra ang Converge sa kanilang paghaharap bukas sa PhilSports Arena upang magkatsansa ang championship showdown sa pagitan ng Dragons at Gin Kings.

Bastante na ang Bay Area sa No. 1 playoff seeding at makaka-bracket nila ang No. 4, No. 5 at No. 8 teams sa post-elims play. Magkakasama naman sa kabilang bracket ang second seed, third seed, No. 6 at No. 7.

Sa kasalukuyan, tabla ang Ginebra at Converge sa third and fourth.

Kailangang manalo ng Gin Kings sa Fiber­Xers upang magkatsansa sa No. 2 o No. 3 — na magbibigay-daan sa posibleng Ginebra-Bay Area finale.

Matamang nagmamasid ang mga Ginebra diehards at ganoon din ang mga Filipino-Chinese na nakatutok sa mga laro ng Dragons.

Datos: Patuloy ang masayang selebrasyon sa Pabaya compound at Sabino compound sa Maysan, Valenzuela dahil sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng mga greetings para sa kalilipas na birthday nina Mam Flor Sabino, Dr. Ryan Sabino at Carmela Pabaya. Sagot ni Kapitan Kandong ang kuwento!

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with