^

PM Sports

Creamline taob sa Cignal

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakabangon agad ang Cignal sa mabagal na simula para pataubin ang Creamline sa bendisyon ng 23-25, 25-23, 28-26, 25-18 panalo para dumikit sa unang tiket sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Mainit si American import Tai Bierria na minanduhan ang HD Spikers sa pagkopo ng 2-0 rekord sa round-robin semifinal round.

Pumalo si Bierria ng 21 puntos mula sa 17 attacks, tatlong blocks at isang aces habang nagtala pa ito ng anim na receptions.

“Thankful ako dahil healthy yung team. Yung transition sa elimination to semis mas naging better. Sobrang happy namin dahil kilala naman natin yung Creamline na talagang mahirap sila talunin kung hindi mo sila paghahandaan, hindi ka magpapakundisyon,” ani HD Spikers head coach Shaq Delos Santos.

Nakatuwang ni Bierria si middle blocker Riri Meneses na naglatag ng 11 hits habang gumawa naman si Angeli Araneta ng 10 markers at pinagsamang 15 mula kina Ces Molina at Roselyn Doria.

Abante ang Cool Sma­shers sa attacks matapos magbaon ng 61 kills laban sa 49 lamang ng HD Spikers.

Subalit nagtala ang Creamline ng 33 errors na lubos na nagpabagsak sa kanila sa labang tumagal ng dalawang oras at walong minuto.

Umabante pa ang HD Spikers sa blocks (12-9) at aces (7-6).

Apat na players ng Cool Smashers ang umiskor ng double digits sa pangu­nguna ni team captain Alyssa Valdez na kumana ng 20 puntos at 22 digs.

Nagtala naman si import Yeliz Basa ng 17 markers habang may 13 hits at 12 receptions si outside hitter Jema Galanza.

Nakalikom naman sina Ced Domingo at Jeanette Panaga ng pinagsamang 16 puntos habang nawalan ng saysay ang 22 excellent sets ni playmaker Jia Morado.

Bagsak ang Cool Sma­shers sa 1-1 rekord.

 

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with