^

PM Sports

PBA ia-adjust ang Governors Cup sked

Pang-masa

Para sa preparasyon ng Gilas sa 2023 SEAG

MANILA, Philippines — Lalong tumodo ang PBA sa pagsuporta sa Gilas Pilipinas matapos ang desisyong siksikin ang iskedyul ng darating na Governors’ Cup para sa kampanya ng bansa sa 2023 Southeast Asian Games.

Aprubado ng PBA Board of Governors ang mungkahi ni Commissioner Willie Marcial na pabilisin ang iskedyul para maagang matapos ang season-ending tournament bago ang SEA Games sa Cambodia kung saan hangad ng Gilas na mabawi ang korona.

Posible kasing buong puwersa ng PBA-backed Gilas team ulit ang ipadala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Cambodia matapos masibak sa trono ang Gilas ngayong taon sa Hanoi, Vietnam.

Hybrid na team ng mga PBA players, overseas standouts at cadets ang isinalang ng Gilas sa 2022 SEA Games na nagresulta sa 85-81 kabiguan sa Indonesia upang magkasya sa silver medal sa unang pagkakataon simula noong 1989.

“Baka tayo pa rin ang sumali sa SEA Games. Kailangan bilisan natin para mabigyan ng time na makapag-practice ang Gilas bago mag SEA Games,” ani Marcial.

Upang magawa ito ay magdaraos ng mga triple headers mula sa double header games ang PBA para matapos agad ang Governors’ Cup bago ang SEA Games sa Mayo 5 hanggang 17.

Nauna nang inihayag ng PBA ang pagpapaliban ng Season 48 hanggang Setyembre upang ma­bigyan ng mas mahabang paghahanda ang Gilas para sa hosting ng 2023 FIBA World Cup sa Agosto.

Sa Season 48 ay idaraos lang ng PBA ang Philippine Cup at Commissioner’s Cup bilang adjustment sa Gilas campaign. (JB Ulanday)

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with