^

PM Sports

Unang PBA 3x3 title kinopo ng Platinum

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inangkin ng Platinum Karaoke ang kauna-unahan nilang PBA 3x3 crown matapos talunin ang Cavitex Braves, 13-12, sa Leg 4 ng Second Conference Season 2 kahapon sa Robinsons Place sa Malabon.

Ibinigay ni Terence Tumalip sa Platinum ang 13-10 abante sa huling 52 segundo habang sinupalpal ni Brandon Bates ang potensyal na game-winning two-pointer ni Jorey Napoles para takasan ang Cavitex.

Ibinulsa nina Tumalip, Bates, Nico Salva at Yutien Andrada ang premyong P100,000 para sa unang leg title ng Platinum matapos ang kabiguan sa dalawang leg finals appearances.

Nakuntento naman ang Cavitex sa pamumuno ni Napoles sa P50,000 bilang runner-up.

Samantala, pinatumba ng J&T Express ang Blackwater Red President via overtime, 22-20, para tangayin ang P30,000 at ang third place trophy.

Isinalpak ni Robin Rono ang game-winning shot para sa panalo ng Express.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with