^

PM Sports

Mavs gumulong sa Raptors

Pang-masa

TORONTO — Iniskor ni O.G. Anunoby ang 12 sa kanyang 26 points sa fourth quarter para pamunuan ang Raptors sa 105-100 pagsapaw sa  Dallas Mavericks.

Tumipa rin si Fred VanVleet ng 26 mar­kers at naglista si Chris Bou­cher ng season-high na 22 points sa panalo ng Toronto (10-9) na tumapos sa kanilang four-game losing skid sa Dallas (9-9).

May 7-2 record ang Raptors sa tahanan nila ngayong season.

Tumapos si Luka Doncic na may 24 points, 9 assists at 7 rebounds sa ikatlong sunod na kamalasan ng Mavericks.

Nakabangon ang Dallas mula sa 73-81 pagkakaiwan sa Toronto sa pagsisimula ng fourth period para makadikit sa 100-101 mula sa basket ni Doncic sa huling 26 segundo.

Dalawang free throws ang ipinasok ni Thad Young para sa 103-100 bentahe ng Raptors kasunod ang turnover ni Finney-Smith sa posisyon ng Mavericks na nagresulta sa dalawang foul shots ni Anunoby.

Sa Phoenix, humakot si Deandre Ayton ng mga season highs na 29 points at 21 rebounds sa 113-112 paglusot ng Suns (13-6) sa Utah Jazz (12-10).

Sa San Antonio, nagposte si LeBron James ng season-high na 39 points sa 143-138 demolisyon ng Los Angeles Lakers (7-11) sa Spurs (6-15).

DALLAS MAVERICKS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with