^

PM Sports

Phoenix tumiyak ng playoff sa quarters

Russell Cadayona - Pang-masa
Phoenix tumiyak ng playoff sa quarters
Sean Manganti and Jason Perkins of Phoenix engage Joshua Munzon of Terrafirma in a battle for the rebound in the Fuel Masters’ 51-point rout at the PhilSports Arena last night.
PBA Images

MANILA, Philippines — Madaling iniligpit ng Phoenix ang Terrafirma, 135-84, para makakuha ng playoff sa isang quarterfinal berth sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Umiskor si RR Garcia ng 20 points at may tig-17 markers sina import Kaleb Wesson at Encho Serrano para tapusin ng Fuel Masters ang kanilang three-game losing skid at ilista ang 6-6 baraha.

Isinara ng Dyip ang kanilang kampanya sa 1-11 kung saan hindi nag­laro si import Lester Prosper sa ikalawang sunod na pagkakataon matapos ilagay sa health and safety protocols.

“It feels good to get a win and I’m looking forward to the playoffs,” sabi ni Jason Perkins, humakot ng 16 points at 3 rebounds para sa Phoenix na kinuha ang 67-30 halftime lead mula sa 26-13 abante sa first period.

Lalo pang nabaon ang Terrafirma sa pagtiklop ng third quarter, 61-107, at hindi nakabangon sa final canto para sa kanilang ikalawang sunod na kabiguan.

Samantala, isiniksik ng PBA ang iskedyul ng darating na Governors’ Cup para bigyan ng panahon ang Gilas Pilipinas na makapaghanda sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with