^

PM Sports

Rain or Shine may pag-asa pa

Russell Cadayona - Pang-masa
Rain or Shine may pag-asa pa
Pinakagat ni big man Beau Belga ng Rain or Shine sa kanyang fake si Blackwater import Came­ron Krutwig.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Sumilip ng tsansa ang Rain or Shine para sa isang quarterfinals seat ma­tapos kunin ang 116-97 panalo sa sibak nang Blackwater sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kumolekta si import Ryan Pearson ng 22 points at 12 rebounds, ha­­bang may 21 markers si Rey Nambatac para pigilin ang two-game losing skid ng Elasto Painters at ilista ang 5-6 baraha.

Nag-ambag sina Anton Asistio at Nolbert Torres ng tig-13 points.

Kung mananalo sila sa Magnolia sa Disyembre 2 ay uusad sila sa quarters.

“May isang linggo ka­ming magpe-prepare para sa Magnolia. So gagawin namin ang makakaya namin para at least maganda ang ipakita naming laban,” sabi ni coach Yeng Guiao.

Nalasap naman ng Bossing ang kanilang ika­anim na dikit na kamalasan para sa 3-9 marka.

Inilista ng Rain or Shine ang 82-71 abante sa third period mula sa maliit na 51-45 halftime lead.

Mula rito ay hindi na nakapalag ang Blackwater.

Humakot si import Cameron Krutwig ng 23 points, 17 rebounds at 4 4 assists para sa Bossing.

Sa ikalawang laro, ti­­nakasan ng NLEX ang Barangay Ginebra sa overtime, 120-117.

Humakot si import Earl Clark ng 37 points, 17 rebounds at 7 assists para sa 4-7 marka ng Road Warriors, habang na­lasap ng Gin Kings ang 7-3 karta.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with