^

PM Sports

Corteza makakalaro sa Final 4

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nangangamba ang College of Saint Benilde na po­sibleng bungi ang kanilang lineup sa Final Four ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament.

Ito ay matapos magtamo ng injury si Miggy Corteza sa laban ng Benilde kontra sa San Beda University sa eliminasyon noong Martes.

“Rest muna siya. He’s still recovering,” wika ni Blazers’ head coach Charles Tiu kay Corteza.

Maay ilang araw pa si Corteza para makapagpa­hi­nga para sa kanilang laban sa semis.

Nagkaroon si Corteza ng foot injury sa first half ng naturang Benilde-San Beda game.

Naglaro pa rin siya para tulungan ang Blazers na makuha ang 82-73 panalo na nagbigay katiyakan sa kanilang tropa na makuha ang twice-to-beat advantage.

Malaking tulong si Corteza sa rotation ng Blazers dahil mayroon siyang mga averages na 13.4 points at 4.7 boards.

Kaya naman umaasa si Tiu na magiging maayos ang lagay ni Corteza bago magsimula ang Final Four.

Haharapin ng Benilde ang San Beda sa semis na magsisimula sa Martes.

Armado ang Blazers ng twice-to-beat advantage matapos makuha ang top seeding.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with