Luzon leg ng FINIS bibitawan
MANILA, Philippines — Magpapasikatan ang mga batang swimmers mula sa 22 clubs at associations sa paghataw ng FINIS Philippines-organized Long Course Swimming Championship Luzon leg sa New Clark City Olympic-size swimming pool sa Capas, Tarlac.
Ang mga best swimmers sa Luzon leg ang magiging NCR representatives sa National Championships sa Disyembre 17-18 sa nasabing venue.
Makakatapat nila ang mga top tankers mula sa Visayas at Mindanao leg na sumabak sa nakaraang mga legs sa Las Paz, Iloilo at Zamboanga City, ayon sa pagkakasunod.
“Exciting ito dahil iyong mga tops swimmers natin masusubok sila sa mga top swimmers from our previous series sa Visayas and Mindanao for the National Finals,” wika ni FINIS Philippines Managing Director Vince Garcia.
Inimbitahan rin ni Garcia sina Brand Ambassadors at tational team members Kyla Soguilon, Marcus DeKam at Juniors record-holder Jamesray Ajido at Jasmine ‘Water Beast’ Mojdeh para sa kanilang mga inspirational messages sa opening ceremony sa alas-8 ng umaga.
Nagkumpirma na ng paglahok ang mga swimming clubs ng Angeles City, Baguio Invictus, Bulacan Water Dragons, Cainta Alpha, Dax Swim, Ilocos Urban, Manta Ray Swim Team, Marikina Poseidon, Viking, Pampanga, Baguio, St. Mary Swim Team at Joey Andaya Swim Club.
- Latest