^

PM Sports

Green Archers, Falcons agawan sa No. 4 seat

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Okupado na ng nagde­depensang University of the Philippines, Ate­neo De Manila University at National University ang tatlong silya sa Final Four.

Ang huling semifinals seat ay paglalabanan ng De La Salle University at Adamson University.

Parehong may 6-6 kar­tada ang Green Archers at Soaring Falcons at kung sino ang makakawalis sa huli nilang dalawang la­ro sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament ang magbubulsa sa No. 4 ticket.

Tangan ng UP ang 11-2 record kasunod ang Ate­neo (9-3), NU (9-4), La Salle (6-6), Adamson (6-6), University of the East (4-9), Far Eastern Uni­versity (4-9) at Uni­ver­sity of Santo Tomas (1-11).

Haharapin ng Green Ar­chers ang sibak nang Red Warriors ngayong alas-3 ng hapon at ma­ka­­katapat ng Soaring Falcons ang Bulldogs sa alas-11 ng umaga sa Smart Araneta Coliseum.

Magduduwelo naman sa ala-1 ng hapon ang mga talsik nang Tamaraws at Growling Tigers at magtutuos ang Fighting Maroons at Blue Eagles sa alas-6:30 ng gabi.

Sumasakay ang La Salle sa three-game winning streak tampok ang 63-58 panalo sa NU no­ong Miyerkules.

Bumida sa nasabing ta­gumpay ng Taft-based team si guard Penny Estacio na iniskor ang lahat niyang 13 points sa third period.

Matapos ang Bulldogs ay haharapin ng Green Archers ang Growling Tigers sa Miyerkules kung saan lalabanan ng Soaring Falcons ang Blue Eagles.

Kung magtatapos sa magkatulad na marka ang La Salle at Adamson ay maglalaban sila sa isang playoff game para sa No. 4 berth.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with