^

PM Sports

Walang puwang ang violence sa sports

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Lagi nating naririnig iyan.

Kapag may player/atleta na gumawa ng masama, marahas o ‘di kaaya-aya, siguradong may parusa.

Nagbibigay ng kaparusahan o mabigat na kaparusahan para bigyan ng leksyon ang ‘violator’ at para hindi tularan ng iba.

And yet, nagawa ni John Amores ng Jose Rizal University ang isang ‘di malilimutang insidente sa NCAA kamakailan.

‘Di ako maka-move on sa napanood ko. ‘Yung talagang galit na galit si Amores, talagang nag-amok, talagang hindi nagpapigil, walang nakaawat.

Indefinite suspension ang hatol ng NCAA at indefinite ban ang parusa ng JRU sa kanilang player.

Sa tingin ng iba, magaan ang mga parusang ito sa ginawa ni Amores.

Dapat daw ay lifetime ban na.

May nabasa akong comment na baka may pinagdaraanan daw ‘yung tao. May nagsabi ring baka kailangan nang ipa-psychiatrist kasi nga ikalawang beses na niyang ginawa ang panununtok sa laro. Baka may ‘problema.’

Kasi nga humagulgol pa nga ng iyak sa dugout pagkatapos ng ginawa niyang malaking gulo.

Hindi man natin alam ang dahilan kung bakit nag-amok si Amores, anuman ang dahilan kung bakit indefinite suspension ang parusa, isa lang ang alam ko, violence has no place in sports.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with