^

PM Sports

Caloy 7th place sa floor exercise

Rusell Cadayona - Pang-masa
Caloy 7th place sa floor exercise
Filipino gymnast Carlos Yulo recorded 14.950 points to defend his vault title at the 51st Artistic Gymnastics World Championships in Liverpool, England on Sunday.
Screenshot/ YouTube

MANILA, Philippines — Tila minamalas si two-time world championship gold medalist Caloy Yulo.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay minalas si Yulo na makakuha ng medalya sa 51st FIG Artistic Gymnastics World Championships makaraang tumapos sa seventh place sa paborito niyang men’s floor exercise sa Liverpool, England.

Kumolekta ang Pinoy gymnast ng 13.300 points sa hanay ng walong kalahok sa nasabing event na kanyang pinagharian noong 2019 edition sa Stuttgart, Germany.

Malayo ito sa inilista niyang 15.266 points sa qualification.

Masama ang kanyang landing matapos gawin ang mahirap na two-and-a-half front double pike na naging dahilan ng pagbaba ng kanyang puntos.

“I didn’t kick like I do in practice. It was a bit too soft. I felt I couldn’t make it, but I tried to correct in on the landing. It was affected by my first tumble, and then it is like a chain, you can’t  stop it,” ani Yulo.

Nauna nang nabigo ang seven-time Southeast Asian Games gold medalist na makasikwat ng medalya sa all-around finals noong Sabado.

Si Giarnni Regini-Moran ng Great Britain ang kumuha sa gold medal sa floor exercise sa kanyang 14.533 points kasunod sina all-around winner Daiki Hashimoto (14.500) at Doi Ryosuke (14.266) ng Japan para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

CALOY YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with