^

PM Sports

Ride and play

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Bago-bago pa lang ang PBA MotoClub, Philippine Bikers Amazing Motorcycle Club noong 2020, nasundan-sundan ko ang mga rides nila sa social media noong mga panahong lockdown pa na binubuo ng mga dati at active Ginebra players kasama ang mga dati at kasalukuyang players mula sa iba pang SMC teams.

Nagsimula ang grupo kina Mark Caguioa, James Yap, LA Tenorio, JC Intal, Joe Devance, Raymond Aguilar, Sol Mercado, KG Canaleta, Rico Maierhofer, Lamont  Waters at JJ Helterbrand hanggang sa sinalihan na rin ng ibang players at coaches.

Madaming grupo ng mga riders ang nagra-rides tuwing weekend pero astig ang PBA motoclub dahil sa kanilang mga mamahaling motor tulad ng Yamaha XSR, Ducati Multistrada, BMW 1200, BMW 1000RR, BMW XR100, Honda CBs at Husqvarna.

Makikita ito sa mga post sa kani-kanilang social media at mapapanood ang vlogs ng kanilang mga rides sa YouTube channel na ‘PBAmotoclub.’

Noong linggo, nagkaroon ng pagkakataon ang PBA Motoclub na mu­ling ipakita ang kanilang angas sa paglalaro ng basketball sa isang cha­rity game kontra sa Mavs Phenomenal ni trainer coach Maverick Bautista. As expected, nanalo ang PBA Motoclub Team Amazing sa Mavs Phenom Sr., 82-75,  pero na-enjoy ng mga nanood sa Filoil EcoOil  Centre sa San Juan ang game.

Saan na naman kaya ang next adventure ng PBA Motoclub?

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with