^

PM Sports

Ang 100 ng Lady Bulldogs

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Isang daang sunud-sunod na panalo.

Isang malaking achievement ng NU Lady Bulldogs matapos ang 100-win nang kanilang ilampaso ang UP Lady Maroons, 79-44, sa  UST Quadricentennial Pavilion noong Miyerkules para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa UAAP.

Malayo pa ito sa kanilang asam na pang-pitong sunod na titulo ngunit higit na mas malaking success ang achievement na ito para sa buong institusyon ng National University.

Bukod tanging NU lang ang  makapagmama­laking sila lang ang may record na 100 sunod na panalo, bagay na mahirap abutin saan mang larangan ng sports.

Siyam na taong binuno ng NU ang kanilang 100-game winning streak na nagsimula noong 2014 Season 77 sa 71-60 panalo sa Adamson sa ilalim ni coach Pat Aquino na nagsimula ng dinastiya ng Lady Bulldogs bago niya iniwan na may 96-0 re­cord para hawakan ang national team na ipinagpatuloy ni NU coach Aries Dimaunahan.

Karaniwang sumi­sim­bolo ang number 100 ng success and accomplishments.

Senyales ito ng ma­raming magandang bagay na darating.

Ngunit sa NU, sim­bo­lo ito ng kanilang ma­gandang programa sa basketball.

Alin lang ‘yan sa dalawa, makuntento sa nakamit na tagumpay or set higher goals and aim for the skies.

vuukle comment

LADY BULLDOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with