Bakbakan na naman
Buhay na naman ang mga boxing at volleyball fans.
May naka-schedule na laban sina Manny Pacquiao at sumabak naman sina Jerwin Ancajas at Eumir Felix Marcial.
May laban na naman ang mga ipinagmamalaki nating boxers at nagbukas na naman ang PVL ng kanilang Reinforced Conference kamakalawa.
Bigo si Jerwin Ancajas na mabawi ang kanyang IBF super flyweight crown kay Fernando “Pumita” Martinez ng Argentina sa kanilang rematch, habang tinalo ni Eumir Felix Marcial si American Steven Pichardo sa isang sixth-round middleweight bout.
Kahit exhibition lang ang December 11 charity match ni Manny kontra kay South Korean martial artist DK Yoo ay marami rin ang mag-aabang nito dahil sabik na ang mga fans na muli siyang mapanood.
Excited naman ang mga volleyball fans lalo na ang mga followers ni Deanna Wong dahil makakapanood na naman sila ng PVL action.
Kaya lang may mga galit na galit na fans dahil abang na abang sila sa game, eh hindi naman sila nakapanood.
Sa One Sport+ cable channel pala ipinalabas ang mga PVL games, eh nakaabang sila sa One Sport regular free TV channel… Hindi rin daw nila nakita sa Kumu at Youtube.
Puro hate post ang inabot ng One Sport at PVL sa social media, eh sa Channel 91 cable channel naman pala dapat nanood.
Paano nga naman ang mga fans na walang cable?
- Latest