^

PM Sports

Lady Spikers susukatin ang Lady Blazers

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nais ng De La Salle University na panain ang ikalawang sunod na pa­nalo sa pagpapatuloy ng Shakey’s Super League Pre-season Collegiate Championships sa Rizal Memorial Coliseum sa Vi­to Cruz, Manila.

Susubukan ng Lady Spikers ang lakas ng defending NCAA champion na College of Saint Benilde Lady Blazers nga­yong alas-3 ng hapon para mapatatag ang kapil sa liderato sa Pool D.

Lalarga rin ang salpukan ng Far Eastern University at Colegio de San Juan de Letran sa alas-12:30 ng tanghali.

Sa iba pang laro, magtutuos ang Lyceum of the Philippines University at Emilio Aguinaldo College sa alas-10 ng umaga, habang aarangkada ang salpukan ng University of the East at San Beda University sa alas-5:30 ng hapon.

Galing ang Lady Spi­kers sa 25-13, 19-25, 21-25, 25-22, 15-8 panalo laban sa Lady Ta­maraws sa kanilang unang laro.

Nagsanib-puwersa sa naturang panalo sina Aleiah Malaluan, Jolina Dela Cruz, Leila Cruz, Thea Gagate at playma­ker Marione Alba.

Wala si La Salle head coach Ramil de Jesus ka­ya’t si assistant mentor Benson Bocboc ang nagmamando para sa Lady Spikers sa torneo.

Nagmula ang Lady Blazers sa masaklap na 20-25, 25-24, 25-19, 20-25, 11-15 kabiguan sa Lady Tamaraws.

Sisimulan ng UAAP champions na National Uni­­­versity ang kampanya bukas laban sa Jose Rizal University sa alas-10 ng umaga.

NCAA

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with