^

PM Sports

Lyceum sasalo sa liderato

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisikapin ng Lyceum of the Philippines University na muling makisalo sa liderato sa pagharap nito sa mapanganib na Jose Rizal University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magkukrus ang landas ng Pirates at Heavy Bom­bers sa alas-3 ng hapon matapos ang duwelo ng San Beda University at Arellano University sa alas-12 ng tanghali.

Nasa ikalawang puwesto ang Lyceum bitbit ang 5-1 baraha sa ilalim ng nangungunang College of Saint Benilde na may 6-1 kartada.

Mataas ang moral ng Pirates matapos nitong gulantangin ang reig­ning champion Colegio de San Juan de Letran noong Linggo sa bendisyon ng 82-75 panalo.

Bumida sa naturang panalo si Mclaude Guadana na nagsumite ng 20 puntos, dalawang boards at dalawang dimes habang naglista naman sina John Barba at Patrick Montano ng tig-12 puntos.

“And of course, follo­wing the system and trus­ting each other. So that’s the number one kaya din kami nanalo,” ani Lyceum head coach Gilbert Malabanan.

Ngunit haharap ang Pirates sa Heavy Bombers na nakasakay din sa four-game winning streak para okupahan ang No. 3 spot kasama ang Red Lions na may katulad na 4-2 rekord.

Sariwa pa ang Jose Rizal sa 83-80 pananaig sa San Beda noong Martes para maikonekta ang ikaapat na sunod na panalo matapos ang dalawang sunod na kabiguan sa pagsisimula ng torneo.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with