^

PM Sports

Sotto, Adelaide sasagupa sa Thunder

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Susubok si Kai Sotto at ang Adelaide 36ers sa isa pang higanteng upset win kontra sa Oklahoma City Thunder upang makumpleto ang sweep ng NBL X NBA Tour sa Paycom Center sa Oklahoma.

Kagagaling lang sa 34-124 panalo sa Phoenix Suns noong Lunes, hindi paaawat ang 36ers sa tulong ng Filipino sensation na si Sotto kahit pa sa kamay ng solidong NBA team na OKC.

Sisiklab ang aksyon sa 7:30 ng umaga (Manila time) sa homecourt ng Thunder, na inaasahang mas gigil na pataubin ang dayong Adelaide upang hindi magaya sa Suns.

Matatandaang ang pa­nalo ng Adelaide sa Phoenix sa sarili nitong homecourt sa Footprint Center sa Arizona ay ang unang panalo ng overseas club sa kahit anong NBA team sa loob ng pitong taon.

Ang Fenerbahce ng Turkey ang huling koponan na nakasilat sa NBA team noong 2015 nang talunin ang Brooklyn Nets, 101-96.

Nagawa iyon ng 36ers laban sa Suns team nina Chris Paul, Devin Booker at DeAndre Ayton.

Upang magawa ulit yon kontra sa OKC ay sasandal ang Adelaide kina Craig Randall at Robert Franks na kumamada ng 35 at 32 points, ayon sa pagkakasunod, sa 10-point win nila sa Suns tampok ang 24 na tres.

Inaasahan din ang ma­laking ambag ng 7-foot-3 Pinoy pride   na humakot ng 11 markers, 2 rebounds, 2 steals at 1 assist kontra kay Ayton at sa Suns.

Subalit higit sa misyong maka 2-0 kontra sa NBA teams bago sila bumalik sa Australia, hangad ng Adelaide na madaig ang dati nitong player na si Josh Giddey na siyang 6th overall pick ng OKC Thunder  noong 2021 NBA Rookie Draft.

Kagagaling lang ni Giddey na tubong Melbourne, Australia, sa halos triple-double na 14 puntos, 12 rebounds at 9 assists na performance sa 112-101 panalo ng OKC kontra sa Denver Nuggets.

Bahagi ang NBL X NBA Tour ng 36ers ng kanilang final build-up para sa 2022-2023 regular season ng Australia NBL.

vuukle comment

KAI SOTTO

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with