^

PM Sports

OKC Thunder isusunod ni Sotto at ng 36ers

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa na ang Ade­laide 36ers na manggulat at umukit ng isa pang kasaysayan sa nakalinyang ikalawang preseason game kontra sa Oklaho­ma City Thunder bukas matapos ang panalo sa Phoenix Suns.

Ito ang ipinangako ni Craig Randall na siyang bumandera sa 134-124 pa­nalo ng Adelaide sa Phoenix na pinag-usapan sa buong mundo.

“It’s a great feeling, but we’ve got a game to­morrow and we’re going to try and take care of business there too,” ani Ran­dall na kumamada ng siyam na triples patungo sa game-high na 35 points kontra sa Suns.

Sa pangunguna nina Ran­dall at Robert Franks na may 32 points, umiskor ng higanteng upset ang 36ers kontra sa Suns nina Chris Paul, Devin Bo­oker at Deandre Ayton.

Ang 36ers ng Austra­lia ang naging unang overseas team na nakatalo sa isang NBA team sa kahit sa anong preseason game simula noong 2015 nang talunin ng Fenerbahce ng Turkey ang Brooklyn Nets, 101-96.

Sa naturang laro ay nag-ambag rin si Pinoy giant Kai Sotto ng 11 points, 2 rebounds, 2 assists at 1 steal.

“This is just the beginning,” pagbabanta ng 7-foot-3 Fi­lipino tower.

Sasalang ang 36ers la­ban sa Thunder na pagbibidahan ng dati nilang player na si Josh Giddey, ang No. 6 overall pick ng Oklahoma City noong 2021 NBA Rookie Draft.

Bahagi ang NBL X NBA Tour ng pre­pa­ras­yon ng Adelaide para sa 2022-2023 NBL re­gular season.

Sa Oktubre 13 lalaba­nan ng 36ers ang Tasmania JackJum­pers.

 

vuukle comment

OKLAHO­MA CITY THUNDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with