^

PM Sports

Suarez, SLP tankers dadalo sa TOPS ‘Usapang Sports’

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dadalo si World Boxing Association (WBA) Asia super featherweight champion Charly Suarez kasama ang anim na pambato ng Swimming League Philippines (SLP) sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong umaga sa Behrouz Persian Cuisine sa 50 Sct. Tobias-Sct. Fer­nandez, Ti­mog, Quezon City.

Magbibigay ng update si Suarez para sa kanyang paghahanda sa pagdedepensa ng korona sa lingguhang sports forum na nakatakda sa alas-10:30 ng umaga.

Makakasama niya sa talakayan sina Evenezir Po­lancos, Albert Sermonia II, Seb Rafael Santos, Jenn Albreicht  Sermonia,  Saira Janelle Pabellon, at Shinloah Yve San Diego na pinakabagong mga brand am­bassadors ng swimming apparel na TYR.

Mula sa iba’t ibang swimming club na nasa ilalim ng SLP sa pamumuno ni Joan Mojdeh, malaking ka­rangalan at dagdag na kasiglahan sa pag-angat ng kani-ka­nilang career ang pagkakapili para mag-en­dorso ng TYR brand,

Inaaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo-Me­rana ng Pilipino Star Ngayon ang mga opisyal, mi­yembro ng organisasyon gayundin ang mga sports enthusiasts na makiisa sa programa na mapapanood via livestreaming sa TOPS Usapang Sports Facebook page at sa Channel 45 ng bagong ilulunsad na PIKO (Pinoy Ako) mobile app channel sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine.

vuukle comment

WORLD BOXING ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with