^

PM Sports

SMB import bibinyagan ng Bossing

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang kamador ng Taiwanese league ang ibabandera ng San Miguel para sa kanilang unang laro sa 2022 PBA Commissioner’s  Cup.

Isasalang ng Beermen si Diamond  Louis Stone laban sa Blackwater Bossing ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Magnolia Hotshots at TNT Tropang Giga sa alas-5:45 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Si Stone, ang second round pick ng New Orleans Pelicans noong 2016 NBA Draft at naglaro rin para sa Los Angeles Clippers, ang ipinalit ng San Miguel kay dating NBA campaigner Thomas Robinson na may back spasms.

Naglaro ang 25-anyos na si Stone para sa Taiwan Beer HeroBears sa T1 League kung saan siya kinilalang scorer.

Hangad naman ng Blackwater na makaba­ngon mula sa 102-105 ka­biguan sa NLEX na nag­laglag sa kanilang baraha sa 1-2.

Sa ikalawang laro, gagawin din ng TNT ang kanilang debut kasama si NBA veteran Cameron Oliver kontra sa Magnolia na muling aasahan si European import Nick Rakocevic.

Yumukod ang Tropang Giga sa Beermen sa nakaraang championship series ng 2022 PBA Philippine Cup at umaasang mu­ling makakabalik sa PBA Finals.

Umiskor naman ang Hotshots ng 109-105 come-from-behind win sa Converge FiberXers kung saan sila bumangon buhat sa 14-point deficit sa fourth period.

“Noong first game, masarap ang feeling na naka-45 iyong import (Rakocevic) namin pero ang contribution ng locals ang hinahanap ko,” ani Magnolia coach  Chito Victo­lero. “This game, nakita ko iyong contribution ng locals, especially the key players.” 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with