^

PM Sports

JRU sumosyo sa No. 3 spot

Chris Co - Pang-masa
JRU sumosyo sa No. 3 spot
Tinangkang supalpalin ni JC Luciano ng EAC ang tangka ni Mark Omega ng Perpetual sa NCAA.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nasawata ng Jose Rizal University ang San Beda University sa pamamagitan ng 83-80 desisyon para maikonekta ang ikaapat na sunod na panalo sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kumana si Agen Miranda ng 21 puntos, tatlong rebounds at tatlong assists para manduhan ang matikas na ratsada ng Heavy Bombers.

“We know for a fact na may winning culture ‘yung team na ‘yun eh.  A  20-point lead in the middle of the game, ‘pag ganyang team ang kalaban mo,  hindi ‘yan magmamatter  until ma­tapos so ang challenge ko talaga sa mga players ko is,  are we doing what we are supposed to do when we’re playing,” ani JRU head coach Louie Gonzalez.

Umariba rin si John Amores ng 19 puntos,  da­lawang boards at dalawang assists habang nagdagdag naman si Marwin Dionisio ng 16 markers para sa Jose Rizal.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Heavy Bombers.

Nahulog sa parehong 4-2 marka ang Red Lions.

Magkasalo na ang Jose Rizal at San Beda sa ikatlong puwesto sa ilalim ng nangungunang College of Saint Benilde at Lyceum of the Philippines University na may magkatulad na 5-1 baraha.

Naitarak ng Heavy Bombers ang 20 puntos na kalamangan sa ikalawang kanto, 49-29.

Ngunit umariba ang Red Lions sa second half subalit nagmintis sina JB Bahio at James Kwekuteye sa huling sandali ng laro upang tuluyang makuha ng Heavy Bombers ang panalo.

Nanguna para sa Red Lions si Bahio tangan ang double-double na 19 points at 10 boards, habang nag­lista si Gabriel Cometa ng 15 markers at Kwekuteye ng 14 points.

Sa ikalawang laro,  nalu­sutan ng University of Perpetual Help System Dalta ang Emilio Aguinaldo  College sa pamama­gitan ng 55-54 desisyon para umangat sa 4-3 baraha.

Wala pa ring panalo ang Generals sa anim na pagsalang.

 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with