^

PM Sports

Kai nagpakitang-gilas sa 36ers vs Suns

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Kai nagpakitang-gilas sa 36ers vs Suns
Isang hook shot ang ginawa ni Kai Sotto ng 36ers laban sa depensa ng Phoenix Suns sa NBLxNBA exhibition game.

MANILA, Philippines — Ipinasilip ni Kai Sotto ang kanyang potensyal sa pagbabalik niya sa Amerika matapos tulungan ang Ade­l­aide 36ers na makasungkit ng 134-124 panalo kontra sa Phoenix Suns sa NBL x NBA Tour sa Footprint Center sa Arizona.

Undrafted si Sotto sa 2022 NBA Rookie Draft subalit nagpakitang-gilas kontra sa Suns sa paghakot ng 11 points, 2 rebounds, 2 steals at 1 assist sahog pa ang dalawang dakdak sa loob ng 18 minutong aksyon.

Malaking ambag ito ni Sotto para sa balanseng atake ng Adelaide sa pamumuno nina Craig Randall at Robert Franks na may 35 at 32 points, ayon sa pagkakasunod.

Nagtulong sina Randall at Franks sa 15 tres mula sa kabuuang 24 triples ng Adelaide kumpara sa siyam ng Phoenix.

Ang Adelaide ang u­nang overseas team na nakatalo sa pambatong NBA ball club simula noong 2015 nang daigin ng Fe­nerbahce ng Turkey ang Brooklyn Nets, 101-96.

Bumida sa Suns, na­nguna sa 2021-2022 NBA regular season sa 64-18 kartada, si Cameron Payne na may 23 markers.

May tig-22 points sina DeAndre Ayton at Mikal Bridges subalit nagkasya lang sina NBA All-Stars Devin Booker at Chris Paul sa 13 at 6 points, ayon sa pagkakasunod.

Sunod na makakaharap ng 36ers ang Oklahoma City Thunder sa Huwebes sa Paycom Center tampok ang dating player nitong si Josh Giddey na napili ng OKC bilang 6th overall pick noong 2021 NBA Rookie Draft.

Bahagi ang NBA Tour ng final build-up ng Ade­laide para sa NBL regular season na sumiklab noong Sabado.

Kagagaling lang ng Ade­laide sa paghahari sa NBL Blitz preseason games bago ang NBA Tour para sa misyong makabawi matapos kapusin sa playoffs noong nakaraang season sa 7th place finish.

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with