^

PM Sports

Maling alab

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kasama ang kaibigang si Musong Castillo ng Philippine Daily Inquirer nang personal kong masaksihan ang alab ng passion ng mga Indonesians sa larong football.

Kami noon ay nasa isa sa mga playing venues sa loob ng higanteng Gelora Bung Karno Stadium sa Jakarta upang i-cover ang ilang wushu finals na kinapapalooban ng mga Filipino fighters noong 2011 SEA Games.

Ilang sandali lang eh, ilalaro na ang men’s football gold-medal match sa pagitan ng Indonesia at Malaysia.

Sa malaking daluyong ng dagsa ng mga Indonesian fans, oras at maraming kilometro ang aming nilakad para hindi masakal ng makapal na tao at upang makakuha ng sasakyan pabalik sa aming hotel.

At habang kumakain nang makita namin sa TV ang stampede papatapos ang laro na kumitil ng ilang buhay.

Ilang taon na ang lumipas eh, hindi pa rin pala naso­solusyunan ng Indonesian officials ang paulit-ulit na pangyayari ng kaparehong kaganapan.

Noong Sabado, mahigit isang daang tao ang namatay sa chaos na sumabog matapos talunin ng Persebaya Surabaya ang Arema Malang, 3-2, sa Malang City, East Java.

Pawang mga Arema fans ang namatay dahil pinagbawalang manood ang mga Persebaya fans para maiwasan ang rumble.

Naiwasan nga ang gulo mula sa posibleng away, pero sumabog pa rin ang malaking riot dahil sa galit ng home fans sa pagkatalo ng kanilang koponan.

Malaking kaguluhan mula sa maling alab ng pagiging sport fans.

Mabuti naman at hindi umaabot sa ganito ang pangyayari sa Philippine sports.

vuukle comment

FOOTBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with