^

PM Sports

UE yuko sa NU

Chris Co - Pang-masa
UE yuko sa NU
Nailusot ni Dave Ildefonso ng Ateneo ang kanyang tira laban kay Bryan Sajona ng FEU.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nasikwat ng National University (NU) ang unang panalo nito matapos igupo ang University of the East (UE), 77-70, sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dominado ng Bulldogs ang rebounding department matapos humatak ng 50 boards kumpara sa 37 ng Red Warriors.

Subalit nakagawa ito ng 19 turnovers laban sa 10 lamang ng UE.

“It’s a good win for us but still marami pa kaming kailangan trabahuhin. Bukas back to drawing board, we will review kung ano ‘yung mga lapses talaga namin,” ani Napa.

Tinukoy ni Napa ang mabagal na laro ng Bulldogs sa third quarter kung saan nagawang makaresbak ng Red Warriors para maagaw ang kalamangan, 52-51.

Mabuti na lamang at mabilis na nagising ang Bulldogs matapos ilatag ang 16-3 run para muling lumayo sa 67-55, may apat na minuto pang nalalabi sa huling kanto.

Mula rito ay hindi na lumingon pa ang NU para tuluyang makuha ang panalo.

Bumandera para sa Bulldogs si John Lloyd Clemente na naglista ng 15 puntos.

Nakapagtala pa si Jolo Manansala ng siyam na puntos mula sa 4-of-5 shooting kasama pa ang siyam na rebounds

Nagdagdag si rookie Kean Baclaan ng walong puntos, limang assists at apat na steals sa kanyang debut game.

Sa ikalawang laro, dinagit ng Ateneo de Manila University ang unang pa­nalo nito makaraang gapiin ang Far Eastern University, 79-70.

Hataw si Forthsky Padrigao ng career-high 19 points kasama ang pitong assists, anim na rebounds at dalawang steals sa panalo ng Blue Eagles. 

Laglag ang Tamaraws sa 0-1 karta.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with