^

PM Sports

Lady Altas pinigilan ng Maroons

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naharang ng University of the Philippines ang pagtatangka ng University of Perpetual Help System Dalta, 10-25, 25-23, 22-25, 25-15, 15-10, upang mainit na simulan ang kampanya nito sa Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila

Nagtulong sina Alyssa Bertolano at Lainne Arce sa huling sandali ng laro para makuha ng Fighting Maroons ang come-from-behind win sa Lady Altas.

Sumulong ang UP sa 1-0 marka habang nadumihan ang rekord ng Perpetual Help na nahulog sa 2-1 marka.

“I told them to forget everything that happened in the first four sets, execute our game plan, and not commit the mistakes we did in the previous sets. Good thing they responded positively,” ani UP coach Shaq Delos Santos.

Dalawang sunod na aces ang pinakawalan ni Bertolano para iangat ang UP,  4-1 sa pagsisimula ng fifth set. Nakatabla ang Lady Altas sa 7-all subalit nagpasabog ang Fighting Maroons ng 6-2 ratsada para tuluyang makuha ang panalo.

Nakalikom si Arce ng kabuuang 14 puntos habang naglista naman si Bertolano ng 10 hits para sa Fighting Maroons.

Sa ikalawang laro, nanaig ang Adamson University sa San Sebastian College-Recoletos, 25-10, 25-14, 25-18, upang sumulong sa 1-1 baraha sa Pool B.

LADY ALTAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with