^

PM Sports

Garcia buhos ang suporta sa TODO Para-Triathlon Team

Russell Cadayona - Pang-masa
Garcia buhos ang suporta sa TODO Para-Triathlon Team
Kabilang si Raul Angoluan na miyembro ng TODO Para-Triathlon team na sinusuportahan ni coach Vince Garcia.

MANILA, Philippines — Ipinakita ni coach Vince Garcia ang kanyang solidong suporta para sa TODO Para-triathlon Team na sumalang sa nakaraang Mt. Mayon Triathlon Championship.

Nagtapos sina Jake Lacaba, Manuel Lobrigo Jr. at Al Fernandez ng TODO squad sa third place sa naitalang bilis na tatlong oras, 36 minuto at 29 segundo.

Kilala si Garcia sa t­riathlon community bilang ‘Godfather’ sa mga para triathletes na kinabibila­ngan nina Lacaba, Lobrigo, Fernandez, Caleb Sim Jr., Godfrey Taberna at Raul Angoluan at Jake Lacaba.

Ang 22-anyos na si Lacaba ay isinilang na walang kaliwang binti at nagtatag­lay ng bingot, ngunit walang nakapigil sa kanya na nakipagtunggali mula nang mapabilang sa TODO Para-triathlon Team noong 2021.

Matapos pumayag sa isang pulong, inasahan ni Garcia na sasakay sa bus si Lacaba paluwas ng Maynila ngunit sa halip ay nag-bike ang binata ng humigit-kumulang sa 130 kilometro para lamang personal na magpakilala.

Puno ng determinasyon, opisyal na naging triathlete si Lacaba nang sumabak siya sa kanyang unang individual race sa katatapos na New Clark City Triathlon sa Capas, Tarlac.

Sina Lacaba at Michael Bayani, may permanenteng bali sa kaliwang bukung-bukong, ay lumaban sa individual short distance category sa 500m swim, 25K bike, at 6K run course at pumuwesto sa podium bilang first runner-up.

TRIATHLON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with