^

PM Sports

UST nakauna sa UAAP

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabagsik si Nic Cabanero nang buhatin nito ang University of Santo Tomas sa 69-60 panalo laban sa season host Adamson University upang mainit na simulan ang kanilang kampanya sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humakot si Cabanero ng kabuuang 33 puntos mula sa impresibong 13-of-18 shooting clip para bitbitin ang Growling Tigers sa pambuenamong panalo.

Naglista pa si Cabanero ng apat na assists, dalawang rebounds, at isang steal.

“Sobrang overwhelmed and blessed kasi pinagdadasal ko kasi I’m turning 19 kasi this Monday. Lagi kong ipinagdadasal na ibigay sa amin itong first win, hindi lang first pati ‘yung upcoming games,” wika ni Cabanero.

Ito ang unang panalo ni Growling Tigers head coach Bal David bilang mentor sa UAAP.

Nagbigay ng solidong tulong si Senegalese A­dama Fayeng na may pitong puntos, 15 rebounds, dalawang blocks at dalawang steals para sa UST.

Bumandera para sa Soaring Falcons si Lenda Douanga na may double double na 13 points at 13 rebounds.

Nalimitahan naman si Jerom Lastimosa sa 10 puntos para sa Adamson na gumulong sa 0-1 marka.

Samantala, mainit din na sinimulan ng defending champion University of the Philippines ang kanilang kampanya sa pagdedepensa sa titulo sa pamama­gitan ng 72-69 paglusot sa De La Salle University sa ikalawang laro.

Nagposte si Gilas Pilipinas standout Carl Tamayo ng 18 puntos, 19 rebounds at dalawang steals para buhatin ang Fighting Maroons sa 1-0 panimula.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with