^

PM Sports

CSB matatag sa top spot

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nalusutan ng College of Saint Benilde ang Emilio Aguinaldo College, 73-61, para manatili sa tuktok ng standings ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umangat ang Blazers sa 5-1 rekord para masolo ang liderato kung saan bumida si Migs Oczon na nagrehistro ng 14 puntos, limang rebounds at tatlong assists.

Gumawa pa si Miguel Corteza ng 12 markers, walong boards at dalawang blocks habang humataw din si Gilas Pilipinas standout Will Gozum na bumanat ng double-double output na 11 points at 13 rebounds.

“I always say that I’m scared with teams na may losing streak. But I like EAC, I like coach Oliver. They are a good team. Their struggles are really surpri­sing me,” ani Benilde head coach Charles Tiu.

Aminado si Tiu na bahagyang nahirapan ang Blazers bago pasukuin ang Generals na naglatag ng matinding depensa.

Nakatuwang pa ng Blazers si JC Cullar na umiskor ng walong puntos, limang boards at apat na assists samantalang nagdagdag si Prince Carlos ng siyam na puntos, tatlong rebounds at dalawang assists.

Wala pa ring panalo ang Generals sa limang laro para manatili sa ilalim ng standings.

Samantala, pinawalang bisa ng liga ang 66-55 pa­nalo ng Mapua laban sa San Beda noong Setyembre 10 matapos paglaruin si Gab Gamboa na ‘di umano ay cross-enrolled sa St. Clare College sa Caloocan.

Dahil dito, umangat ang Red Lions sa 4-1 baraha habang nalugmok ang Cardinals sa 0-6 karta.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with