^

PM Sports

Bolts tumukod sa Batang Pier

Russell Cadayona - Pang-masa
Bolts tumukod sa Batang Pier
Napilitang ipasa ni Robert Bolick ng NorthPort ang bola nang madepensahan ni Alvin Pasaol ng Meralco.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Naglaro na parang import si Robert Bolick para ipanalo ang NorthPort.

Humataw si Bolick ng career-high na 44 points para sa 101-95 overtime win ng Batang Pier sa Meralco Bolts sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humugot ang tinaguriang ‘White Rabbit’ ng 17 markers sa fourth quarter at 5 markers sa extra period para sa 2-1 baraha ng NorthPort na nakabangon mula sa 20-point deficit sa Meralco sa third canto.

“Lumaban lang kami. Pagod na kasi kami na palaging natatalo sa dikitan eh,” wika ni Bolick.

Tumipa si import Prince Ibeh ng 12 points, 11 rebounds at 8 blocks para sa Batang Pier na bumalikwas mula sa 47-67 agwat sa Bolts sa third quarter patungo sa extension, 89-89.

Ang triple at drive ni Bolick ang nagbigay sa NorthPort ng 94-89 abante sa 3:11 minuto ng overtime at ang tres ni Arwind Santos ang sumelyo sa kanilang panalo sa huling 1:19 minuto.

Kumamada si import Johnny O’Bryant ng 30 points, 22 boards at 5 assists para sa Meralco na nakahugot kay Raymond Almazan ng 17 markers.

Sa unang laro, sumosyo ang NLEX sa liderato matapos resbakan ang Blackwater, 105-102, tampok ang 36 points, 24 rebounds, 4 assists at 3 blocks ni import Earl Clark.

Ito ang ikalawang dikit na ratsada ng Road Warriors para tablahan ang guest team na Bay Area Dragons (2-0) sa itaas ng team standings.

Bumangon ang tropa ni assistant coach Adonis Tierra mula sa 16-point deficit sa third period para balikan ang Bossing (1-2).

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with