^

PM Sports

JRU nakatakas sa Mapua

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malakas na pasabog ang inilatag ng Jose Rizal University (JRU) sa hu­ling sandali ng laro para pigilan ang Mapua University (MU) sa bisa ng 67-64 overtime win kahapon sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Heavy Bom­bers sa limang pagsalang para umangat sa 3-2 rekord.

Mainit ang palad ni Joshua Guiab na tumipa ng double-double output na 17 points at 10 rebounds para pamunuan ang Heavy Bombers.

Nakatuwang ni Guiab sa ratsada si Marwin Dio­nisio na kumamada ng 15 puntos at limang rebounds habang nagrehistro naman si Agem Miranda ng 13 points, apat na rebounds at tatlong assists.

“We really needed to grind it out. There’s so much to learn from this, especially for my starters. In the middle of the game, it was my second group hel­ping the team,” ani JRU head coach Louie Gonzales.

Naglista pa si William Sy ng walong puntos at siyam na boards samantalang nag ambag si CJ Gonzales ng walong puntos at apat na rebounds.

Patuloy na inaalat ang Seaon 97 runner-up Cardinals na lumasap ng ikalimang kabiguan para malaglag sa ilalim tangan ang 1-5 baraha.

Nanguna para sa Ma­pua si Brian Lacap na umiskor ng 13 puntos at anim na boards.

Ngunit ito lamang ang may double digit output sa hanay ng Mapua kung saan nalimitahan si Warren Bonifacio sa siyam na puntos subalit bumawi ito sa shaded area bitbit ang 13 rebounds.

Naglista naman si Renz Nocum ng walong puntos at 10 boards.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with