^

PM Sports

Parks bumida agad sa Dolphins

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpasiklab agad si Ray Parks Jr. sa 101-86 panalo ng Nagoya Diamond Dolphins kontra sa Mikawa Seahorses upang mitsahan ang kampanya ng Filipino imports sa Division I ng 2022-2023 Japan B.League season sa Dolphin’s Arena.

Pumukol ng 14 puntos si Parks sahog pa ang apat na assists, isang rebound at isang steals para sa magandang panimula ng kanyang ikalawang season sa B.League bilang isa sa dumadaming Pinoy standouts doon.

Solidong suporta ang ipinamalas ni Parks para kay Coty Clarke na may muntikang triple-double na 24 puntos, 10 rebounds at pitong assists para sa Nagoya, na sasagupain uli ang Mikawa ngayon sa opening weekend ng B.League.

Matatandaang noong nakaraang season ay si Parks lang ang tanging Pinoy na nakasampa sa playoffs habang inalat ang kampanya ng mga ibang kababayan.

Nagrehistro noon si Parks ng 10.7 points, 3.6 rebounds, 1.9 assists at 1.1 steals para sa Nagoya na swak sa ika­pitong puwesto hawak ang impresibong 34-15 kartada.

Iyon ang nais na ma­ipagpatuloy o higitan pa ni Parks na player din ng Gilas Pilipinas.

Samantala, sasalang sa kanyang B.League debut sina Matthew Wright ng Kyoto Hannaryz at Justine Baltazar ng Hiroshima Dragonflies kontra sa Sendai at Yokohama, ayon sa pagkakasunod.

Sasabak din ang mga dati nang B.League imports na sina Dwight Ramos ng Levanga Hokkaido kontra sa Akita, Kiefer Ravena ng Shiga Lakestars kontra sa Gunma at Thirdy Ravena ng San-en NeoPhoenix laban sa Kawasaki.

vuukle comment

RAY PARKS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with