^

PM Sports

Cavitex puntirya ang back-to-back leg title sa PBA 3x3

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Cavitex ang kanilang ikalawang sunod na leg title sa PBA 3x3 sa pagbabalik ng Season 2 ng First Conference ngayon sa Robinson’s Las Piñas.

Kakampanya sina Jorey Napoles, Bong Galanza, Dominick Fajardo at Tzaddy Rangel ng Braves sa Pool A para sa Leg 3 kasama ang Pioneer Elastoseal Katibays at Terrafirma.

Tinalo ng Cavitex ang San Miguel para sa una nilang leg crown sa standalone tournament.

Unang makakaharap ng Braves ang Terrafirma sa unang laro ng itinakdang 12-game schedule sa pool play.

Kasama naman ng Beermen sa Pool B ang Blackwater Red President at Barangay Ginebra, habang nasa Pool C ang Leg 1 winner na TNT Tropang Giga, Platinum Karaoke at NorthPort at nasa Pool D ang Meralco, J&T Express at Purefoods Titans.

Ipaparada ng Tropang Giga si Gryann Mendoza kapalit ni big man Lervin Flores para mapalakas ang kanilang tsansa sa ikalawang leg title matapos maghari sa Leg 1.

PBA 3X3

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with