^

PM Sports

2nd win target ng UST vs Baste

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ng University of Santo Tomas na sakmalin ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa nito sa San Sebastian College-Recoletos sa pagpapatuloy ng Shakey’s Super League Preseason Collegiate Championship ngayong araw sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Lalarga ang duwelo ng Tigresses at Lady Stags sa alas-10 ng umaga.

Susundan ito ng salpukan ng University of Perpetual Help System Dalta at University of the East na mag-uunahan makuha ang 2-0 sa kanilang pagtatagpo sa alas-12:30 ng tanghali.

Masisilayan din ang engkuwentro ng Ateneo de Manila University at Arellano University sa alas-3  habang aariba rin ang Far Eastern University kontra De La Salle University sa alas-5:30 ng hapon.

Nakasikwat ng buwenamanong panalo ang Tigresses, Lady Altas, Lady Warriors at Lady Tamaraws sa kanilang unang laro sa opening day noong Sabado.

Dumaan sa butas ng karayom ang UST bago itakas ang 25-20, 27-29, 15-25, 29-27, 15-10 panalo laban sa Adamson University sa larong inabot ng madaling araw noong Linggo para makuha ang 1-0 sa Pool B.

Inaasahang ilalabas muli ng Tigresses ang matatalim na pangil nito upang pigilan ang anumang pagtatangkang gagawin ng Lady Stags kung saan sasandalan  ng UST si wing spiker Eya Laure.

Wagi naman ang Perpetual Help sa San Beda University (24-26, 25-21, 25-23, 27-25) habang nakalusot din ang UE sa Mapua University (31-33, 25-20, 25-23, 21-25, 15-12).  

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with