^

PM Sports

NLEX sososyo sa liderato

Russell Cadayona - Pang-masa
NLEX sososyo sa liderato
Ang layup ni Jerrick Balanza ng NorthPort laban sa isang Bay Area player habang nasa inset si Converge coach Aldin Ayo.
PBA Image

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng NLEX ang kanilang ikalawang sunod na ratsada bagama’t hindi pa si bagong head coach Frankie Lim ang uupo sa bench.

Muling gigiyahan ni assistant coach Adonis Tierra ang Road Warriors sa pagsagupa sa Blackwater Bossing ngayong alas-3 ng hapon sa 2022 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Isisilbi ni Lim, pumalit kay Yeng Guiao sa NLEX, ang kanyang one-game suspension na ipinataw sa kanya bilang coach ng Barangay Ginebra noong 2015 PBA Governor’s Cup quarterfinals kung saan niya binira si dating Alaska forward Calvin Abueva.

Umiskor ang Road Warriors ng 96-90 panalo kontra kay Guiao at sa Rain or Shine Elasto Pain­ters tampok ang 26 points, 14 rebounds, 6 blocks, 4 assists at 4 steals ni import Earl Clark.

“Gusto niya fast-paced ang opensa, takbuhan ang kalaban kung kaya, if we have the numbers. O­therwise, we have to mix it up dahil may mga halfcourt sets naman kami,” ani Tierra kay Lim.

Sa ikalawang laro sa alas-5:45 ng hapon ay magtutuos ang Meralco at NorthPort.

Samantala, tila unti-unting kinukuha ni Converge coach Aldin Ayo ang kanyang mga dating collegiate players para isama sa FiberXers.

Hinugot ng Converge sina Jerrick Balanza at Ke­vin Ferrer mula sa NorthPort kapalit nina Allyn Bulanadi at Tyrus Hill sa trade na inaasahang aaprubahan ng PBA Commissioner’s Office.

Naglaro si Balanza para kay Ayo at sa Letran Knights na nagkampeon noong 2015 NCAA season.

Nauna nang hinugot ng FiberXers si Aljun Melecio, ang pointguard ni Ayo sa La Salle Green Archers na naghari noong 2016  UAAP season, galing sa Phoenix Fuel Masters.

 

NLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with