^

PM Sports

Letran tutok sa win No. 4

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapapalaban ng husto ang Colegio de San Juan de Letran sa oras na makaharap nito ang San Beda University ngayong hapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Dalawang key players ng Knights ang wala sa lineup kaya’t inaasahang ibubuhos nito ang buong lakas kontra sa Red Lions sa kanilang duwelo sa alas-3 ng hapon.

Hahataw din ang engkuwentro ng Mapua University at Jose Rizal University sa alas-12 ng tanghali.

Pinatawan ng isang la­rong suspensyon sina Brent Paraiso at Louie Sangalang dahil sa mga nagawa nito sa kanilang laro laban sa Mapua noong Martes.

Naipanalo ng Knights ang laro sa iskor na 67-62.

Sa pagkawala nina Pa­raiso at Sangalang, sasandalan ng Knights sina Fran Yu at Paolo Javillonar habang kinakailangang mag-step up ng iba pang miyembro ng team para punan ang hindi paglalaro nina Paraiso at Sangalang.

Kasalukuyang may 3-1 marka ang Letran para okupahan ang No. 3 spot sa likod ng nangungunang College of Saint Benilde at Lyceum of the Philippines University na may magkatulad na 4-1 kartada.

Sa kabilang banda, nasa three-way tie ang San Beda sa No. 5 kasama ang San Sebastian College-Recoletos at Jose Rizal na pare-parehong may 2-2 kartada.

Matagal-tagal ding napahinga ang Red Lions dahil huli itong nasilayan noong nakaraang linggo pa nang talunin nito ang Stags sa iskor na 78-71.

Tinukoy ni San Beda head coach Yuri Escueta na magandang aral ang panalo nito sa San Sebastian.

“Well, it’s good that we were able experience ‘yung mga ganyan game, kasi ‘yung first win namin sa EAC malaki lamang eh. So ngayon, nung lumaki lamang namin, medyo humabol,” ani Escueta.

Kakasa para sa San Beda si James Kwekuteye na bumanat ng 20 puntos sa kanilang huling laro.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with