^

PM Sports

Tamayo, Quiambao naka-abang sa Gilas call-up

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiniyak nina rising stars Carl Tamayo ng University of the Philippines at Kevin Quiambao ng La Salle ang kahandaang maglaro muli para sa bayan kung tatawagin ang serbisyo para sa fifth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Nobyembre.

Bagama’t naghahanda kasama ang kanilang mga koponan para sa pagbubukas ng UAAP Season 85, buo ang dedikasyon ng dalawang collegiate standouts na sumabak sa panibagong laban ng Gilas Pilipinas kontra sa Saudi Arabia at Jordan sa Nob­yembre 10-14.

“I’m always grateful and blessed to represent our country. Handa ako lagi para tulungan ko ang bansa natin. If they’re gonna call me, I’ll be there all the time,” ani Tamayo na napipisil maging MVP sa Season 85.

Parehong naglaro sina Tamayo at Quiambao sa 2022 FIBA Asia Cup noong Hulyo sa Jakarta, Indonesia, habang umulit si Tamayo sa fifth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers noong nakaraang buwan sa Lebanon at dito sa Maynila.

Aminado ang dalawa na malaking tulong ang kanilang international stints at inaasahang madadala ito upang makapag-ambag din sa Fighting Maroons at Green Archers.

“Sobrang laking bagay dahil pinakamataas na competition iyong nilaruan ko. Kumbaga, highest level of competition. Sobrang la­king exposure at kumbaga na-sharpen akong maglaro sa Gilas,” ani Quiambao.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay magtutuos agad sina Tamayo at Quiambao sa laban ng UP at La Salle sa UAAP opener bukas pagkatapos ng duwelo ng host Adamson at UST.

Kasama nina Tamayo at Quiambao si reigning MVP at naturalized player Ange Kouame ng Ateneo sa inilista ng Gilas na mapasali sa bubuuing koponan para sa fifth window kung kailan titigil din pansamantala ang UAAP.

Makakasama nila ang mga PBA players mula sa Ginebra, San Miguel at TNT pati na ang ilang Filipino imports sa Japan B. League sa pangunguna nina Kiefer at Thirdy Ra­vena at Dwight Ramos.

 

FIBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with