^

PM Sports

Pananabik ni Rakocevic

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Apat na imports na lang ang hindi pa sumasalang sa PBA Commissioner’s Cup.

At so far, maaayos ang ipinakita ng mga sumalang na at mukhang good as advertised ang karamihan.

Pero siyempre, mayroong aangat.

Habang hinihintay pa ang PBA debut nina Andrew Nicholson ng Bay Area Dragons, Thomas Robinson ng San Miguel Beer, Cameron Oliver ng TNT at Johnny O’Bryant ng Meralco, pinaka-nakatawag ng pansin si Nick Rakocevic ng Magnolia Hotshots.

Bagong import flavor na mula sa basketball power na bansang Serbia, agad nanalasa si Rakocevic sa pa­ngunguna sa kanilang 100-92 panalo kontra Terrafirma noong nakaraang gabi sa MOA Arena.

Agresibo at aktibo sa kabuuan ng kanyang paglalaro, tumapos si Rakocevic na tangan ang mga numerong 45 points at 25 rebounds.

Malaki rin ang mga numero ni balik-import Lester Prosper sa kanyang unang dalawang laro. Pero dahil manipis ang nakukuhang tulong sa kanyang mga local teammates, tembuwang sa  0-2 start ang mga Dyip.

Tumawag din ng pansin sina Quincy Miller ng Converge at Steven Taylor Jr. ng Rain or Shine.

Patok si Myles Power, pero ang 6-0 hotshot na ito eh, makikipaghatian ng laro kay fellow Bay Area import na si Nicholson. At na kay coach Brian Goorjian ang desisyon kung sino ang paglalaruin niya sa playoffs – na mukhang sure ball naman nilang mararating.

Magkakasubukan sina Rakocevic at Miller sa kanilang ikalawang laro sa PBA. Magbabakbakan ang Magnolia at Converge sa 6:45 p.m. mainer sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with