^

PM Sports

Sotto, 36ers lumipad na sa Amerika para sa tune-up games

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumipad na pa-Amerika si Kai Sotto at ang Adelaide 36ers para sa dalawang tune-up games ng Australia NBL kontra sa mga NBA teams na Phoenix Suns at Oklahoma City Thunder.

Unang destinasyon ng 36ers ang Phoenix sa Arizona para labanan ang Suns sa Oktubre 2 sa Footprint Centre bago lumarga sa Paycom Center sa Oklahoma para sagupain ang Thunder sa Oktubre 6.

Bahagi ito ng pinal na preparasyon ng Adelaide para sa pagbubukas ng regular season ng NBL kung saan hangarin nilang makapasok sa playoffs.

Nagkasya lang sa 10-18 kartada ang 36ers para sa No. 7 spot kaya siguradong gigil makabawi ngayon.

Una nang nagpatikim ang Adelaide sa naturang misyon na ito nang pagharian ang NBL Blitz preseason games sa Darwin, Australia.

Winalis ng 36ers ang tatlong laro kontra sa South East Melbourne Phoenix, 84-76, Tasmania JackJumpers, 87-79, at Illawarra Hawks, 84-77.

Sa huling laban nila kontra Illawarra ay nagtala ang 7-foot-3 Filipino sensation na si Sotto ng anim na puntos kabilang na ang mga krusyal na baskets upang masiguro ang titulo.

Ito na ang ikalawang sunod na preseason championship ng Adelaide na inaasa­hang madadala nila sa regular season ngayong taon.

Upang magawa iyon ay sasandal ang 36ers sa dagdag na paghahanda na makukuha nila sa dalawang NBA teams.

Pagkakataon din ito para kay Sotto na makapagpasiklab sa mga NBA coaches at scouts para sa posibleng call-ups sa hinaharap matapos mabigong mapili sa 2022 NBA Rookie Draft.

Sa Sabado na lalarga ang NBL subalit sa Oktubre 13 pa ang unang laban ni Sotto at ng 36ers laban sa Tasmania sa homecourt nito sa Adelaide Entertainment Center.

 

vuukle comment

PHOENIX SUNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with