^

PM Sports

4th win naikonekta ng Lyceum

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinarak ng Lyceum of the Philippine University ang ikaapat na sunod na panalo nito matapos pataubin ang University of Perpetual Help System Dalta, 82-77, sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nanatili sa tuktok ng standings ang Pirates tangan ang 4-1 baraha kung saan nanguna si Enoch Valdez na tumipa ng 13 puntos tampok ang siyam sa fourth quarter.

Nakatuwang nito si Mclaude Guadana na nagtala ng 12 puntos habang umani naman si Shawn U­mali ng 10 markers at walong rebounds para sa Pirates.

Malakas na puwersa ang inilatag ng Pirates sa huling kanto ng laro kung saan naungusan nito ang Altas, 26-14, tampok ang siyam na puntos galing kay Valdez.

Laglag ang Perpetual Help sa 2-3 marka.

Pinatawan naman ng isang larong suspensiyon sina Brent Paraiso at Louie Sangalang ng Colegio de San Juan de Letran sa laban ng Knights kontra sa Mapua University noong Martes.

Binigyan ng automatic ejection si Paraiso dahil sa ‘act of violence’ habang napatawan naman si Sangalang ng ikalawang technical foul na nagresulta sa ejection.

“Upon thorough review, it was established that Paraiso intentionally hit Mapua’s Adrian Nocum at the back of his head with an elbow which is a deliberate act of violence and not a legitimate basketball play,” ayon sa statement.

Hindi makakapaglaro sina Paraiso at Sangalang sa laban ng Letran kontra sa San Beda sa Biyernes.

“I strongly denounce forms of violence in and outside the playing court. Rest assured I’ve addressed this with utmost objectivity and compassion,” dagdag pa ng statement.

Malaking kawalan sina Paraiso at Sangalang na pangunahing inaasahan ng kanilang tropa.

Si Paraiso ay may ave­rages na 12.75 points, 3.5 rebounds, 2.75 assists at 2.5 steals kada laro sa season na ito.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with