Usapang swimming sa TOPS Forum
MANILA, Philippines — Magiging bisita ang mga pambato ng Swimming League Philippines (SLP) sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports ngayong umaga sa Behrouz Restaurant 50 Sct. Tobias, Timog, Quezon City.
Binubuo ng 13 tankers, kabilang ang apat na babae mula sa iba’t ibang swimming club na kasama ng SLP, sasabak ang koponan sa Hamilton Aquatics Short Course sa Dubai, United Arab Emirates sa Oktubre 22-23.
Gagabayan sila nina team manager Leticia S. Basa, assistant coach Christine Keith De Luna at head coach Bryan Estipona sa programang itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Restaurant.
Inaanyayahan ni Beth Repizo-Meraña ng PSNgayon ang mga miyembro, opisyal at fans na makiisa sa talakayan sa ganap na alas-10:30 ng umaga at mapapanood via livestreaming sa opisyal na FB page TOPS Usapang Sports at sa Channel 45 ng PiKO (Pinoy Ako)-ang pinakabagong mobile apps sa bansa.
- Latest