^

PM Sports

Gilas lumagapak sa No. 41 sa FIBA world rankings

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumagapak ng walong puwesto ang Gilas Pilipinas sa FIBA world  basketball rankings matapos ang sunud-sunod na kabiguan sa iba’t ibang torneo ngayong taon.

Mula sa No. 33 ay sadsad sa No. 41 ang Gilas hawak ang 306.4 points bunsod ng maalat na kampanya sa 2022 FIBA Asia Cup at ilang windows ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa unang pagkakataon sa loob ng 15 taon ay hindi u­mabot sa Top 8 ng Asia Cup ang Gilas noong Hul­yo sa Jakarta, Indonesia nang pumang-siyam lang ito.

Talo ang Gilas kontra sa New Zealand at Lebanon sa group phase bagama’t wagi sa India bago yumukod sa Japan sa playoff.

Sa ongoing na Qualifiers ay may 3-3 kartada ang Gilas matapos ang mga talo sa New Zealand at Lebanon.

Galing naman sa lo­wer-ranked teams na India (73rd) ang tanging panalo ng Gilas.

Dahil dito ay nalalag na rin sa Top 8 ang Gilas sa ranking ng buong Asia-Oceania matapos ungusan ng Jordan at Japan.

Nasa likod ngayon ang Gilas ng World No. 3 Austria, No. 24  New Zealand,  No. 27 China, No. 34 South Korea,  No. 35 Jordan at No. 38 Japan.

Sa buong Asya ay Gilas din ang may pinakamala­king ibinagsak sa walong puwesto kasunod ng Qatar na bagsak ng 15 spots upang maging World No. 89.

Samantala, No. 1 pa rin ang USA (760.7 pts) kasunod ang Spain (758.9) at Australia (741.1), habang kinumpleto ng Argentina, France, Serbia, Slovenia, Lithuania, Greece at Italy ang Top 10.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with