^

PM Sports

Jockey Guce at Calamian Island kikilatisin sa KDJM race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magsasanib puwersa sina Calamian Island at star jockey Jessie Guce para salihan ang 2022 Klub Don Juan De Manila na ilalarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas sa darating na Linggo.

May nakalaan na P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, target nina Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Guce at sasakyan na Calamian Island na masilo ang premyo na P600,000.

Bukod kay Calamian Island, ang ibang naghayag ng paglahok sa distansyang 1,800 meter race ay sina Don Juio, Declare For Flare, Kaboom, Marilag at Speed Fantasy.

Kukubrahin ng second placer ang P225,000 habang tig P125,000 at P50,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.

Susungkitin naman ng breeder ng winning horse ang P50,000, tig P30,000 at P20,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Pitong karera ang pinakawalan kahapon ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya naman nasiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.

Samantala, maliban sa MMTCI, dalawang clubs lamang ang magpapakarera, ang isa ay ang Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaya naman walang nagawang karera ngayong araw ng Miyerkules.

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with