^

PM Sports

Curry, Warriors handa na sa title defense

Pang-masa
Curry, Warriors handa na sa title defense
Handa na si Stephen Curry at ang Golden State Warriors na idepensa ang kanilang korona sa pagbubukas ng NBA Season sa Oktubre.

SAN FRANCISCO — Sumagitsit ang suot na bright-colored “Sour Patch” sneakers ni Stephen Curry sa kanyang media day arrival.

Pumuwesto siya suot ang iconic No. 30 jersey at nag-pose kasama ang kanyang mga championship trophies.

“That championship glow is real,” sabi ng two-time MVP ng nagdedepensang Golden State Warriors na maglalaro sa kanyang ika-14 NBA season.

Magiging 35-anyos na ang Golden State star at reigning NBA Finals MVP ngayong season at mu­ling igigiya ang Warriors sa kanilang championship run.

“And embracing it. My 14th year. I feel fresh and prime,  ready to go. I feel like in my head still getting better, trying to feed off that,” ani Curry.

Magtutungo si Curry kasama si ‘Splash Brother’ Klay Thompson at ang defending NBA champions sa Tokyo para labanan ang Washington Wizards sa dalawang preseason games sa Saitama, Japan.

Noong Enero 9 lamang nagbalik sa court si Thompson matapos mawala ng dalawa at kalahating taon dahil sa mga injuries.

“I’m hungry as ever still because I still remember those two years I had to watch. I’m eager to play a full season and show people what I’m capable of again,” sabi ni Thompson.

Bukod kina Curry at Thompson, muli ring maglalaro para sa Warriors sina Draymond Green, veteran swingman Andre Iguodala, Jordan Poole at Andrew Wiggins.

Samantala, balak ng Phoenix Suns na i-trade si veteran forward Jae Crowder na hindi na nila isasama sa kanilang trai-ning camp.

Nauna nang naglaro si Crowder para sa Dallas Mavericks, Boston Celtics, Cleveland Cavaliers, Utah Jazz, Memphis Grizzlies at Miami Heat.

STEPHEN CURRY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with