^

PM Sports

Unang panalo sinakmal ng Tigresses

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umukit ng pambuenamanong panalo ang University of Santo Tomas matapos pataubin ang Adamson University, 25-20, 27-29, 15-25, 29-27, 15-10, sa opening day ng Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship sa Rizal Memorial Coliseum.

Ngunit hindi ito naging madali para sa Tigresses na kinailangan ng malakas na puwersa para pabagsakin ang Lady Falcons.

Sa katunayan, nagsimula ang laro ng Sabado ng gabi at natapos ng Linggo ng madaling araw.

Umarangkada sa naturang panalo si wing spiker Eya Laure na nakalikom ng malaking puntos para pamunuan ang Tigresses sa opensa at depensa.

Bago ang laban ng UST at Adamson, umabot din sa fifth set ang duwelo ng Far Eastern University at reigning National Collegiate Athletic Association champion College of St. Benilde.

Nakabangon ang Lady Tamaraws sa 1-2 pagkakalugmok para hatakin ang 25-20, 24-26, 19-25, 25-22, 15-11 panalo laban sa Lady Blazers.

Ang UST-Adamson at FEU-Benilde ay dalawa lamang sa tatlong five-setter na laro sa opening day ng liga.

Una nang naitakas ng University of the East ang pahirapang 31-33, 25-20, 25-23, 21-25, 15-12 panalo laban sa Mapua University.

Dikdikan din ang laro ng University of Perpetual Help System Dalta at San Beda University na umabot sa four sets.

Naiuwi ng Lady Altas ang 24-26, 25-21, 25-23, 27-25 panalo.

Magpapatuloy ang mga laro sa Oktubre 1 at 2 sa parehong venue.

vuukle comment

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with