^

PM Sports

Sagupaang Ginebra-Converge; NLEX-Meralco kanselado rin

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilang oras bago ang pagragasa ng bagyong ‘Karding’ kahapon ay nagdesisyon ang Philippine Basketball Association (PBA) na ipagpaliban ang dalawang laro ng 2022 Commissioner’s Cup.

Sasagupain sana ng Converge ang Barangay Ginebra sa alas-6:45 ng gabi at lalabanan ng NLEX ang Meralco sa alas-4:30 ng hapon sa MOA Arena sa Pasay City.

“The PBA Commissioner’s Cup games today at the MOA Arena will be postponed due to Super Typhoon Karding.  Meralco vs. NLEX and Converge vs. Ginebra will be rescheduled to a later date,” pahayag ng PBA. “Mag-ingat po tayong lahat!”

Target sana ng Fiber­Xers ang kanilang ikala­wang sunod na panalo matapos talunin ang Terrafirma Dyip, 124-110, sa coaching debut ni Aldin Ayo noong Biyernes.

Hangad din ng Road Warriors ang kanilang 2-0 start sa pagharap sa Bolts.

Si long-time assistant coach Adonis Tierra ang pansamantalang gumiya sa NLEX sa 96-90 pagdaig sa Rain or Shine ni mentor Yeng Guiao.

Sa Setyembre 30 pa inaasahang opisyal na gagabayan ni Frankie Lim ang Road Warriors dahil sa pagsisilbi niya ng one-game suspension mula sa kanyang physical contact kay dating Alaska forward Calvin Abueva sa 2015 PBA Governors Cup quarterfinals game ng Aces at Gin Kings.

Hindi naipataw kay Lim ang suspensyon bunga ng pagkakasibak ng Ginebra.

Ipinagpaliban din ng PBA ang Leg 3 ng PBA 3x3 Season 2 na nakatakda sana ngayon at bukas sa Robinson’s Place Antipolo Extension.

 

 

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with