^

PM Sports

Benilde muling sosolohin ang No. 1 spot

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ng College of Saint Benilde na makabalik sa porma matapos lumasap ng unang kabiguan sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 men’s basketball.

Ibubuhos ng Bla­zers ang ngitngit nito sa pagharap sa Jose Rizal University sa pagpapatuloy ng liga nga-yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang pukpukan ng Blazers at Heavy Bombers sa alas-12 ng tanghali habang lalarga rin ang salpukan ng San Beda University at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-3 ng hapon.

Nais ng Benilde na maka-move on na sa masaklap na 75-81 kabiguang tinamo nito sa kamay ng defen­ding champion Colegio de San Juan de Letran noong Biyernes.

Laglag ang Blazers sa 3-1 marka para mabigyan ng pagkakataon na makisalo sa liderato ang Lyceum of the Philippines University na may parehong rekord.

Kaya naman gigil na makaresbak ang Benilde upang maibalik ang winning form nito.

Aasahan ng Blazers si Will Gozum na kumana ng double-double na 23 points at 10 rebounds sa kanilang huling laro gayundin sina Migs Corteza na may 18 puntos at sina Robi Naybe at Ladis Lepalam na naglista ng tig-10 markers.

Sa kabilang banda, nakasakay ang Heavy Bom­bers sa dalawang sunod na panalo kabilang ang 70-67 paggulantang sa Arellano University noong Miyerkules.

Kumana si Ry Dela Rosa ng game-winning tri­ple sa naturang laro para makuha ng Heavy Bombers ang panalo.

“It’s just trust. I know, all game, he (Dela Rosa) was firing blanks, but I trust my players like that and I know that shot, he will take it,” ani Heavy Bombers head coach Louie Gonzales.

Umangat ang Jose Rizal sa 2-2 rekord para lampasan ang kanilang 1-8 baraha noong nakaraang season.

“We’re unconscious about it. For us, we just want to get better. I know we’re still not at an optimal condition, our rotation is not yet complete, I know I can get more from my players,” ani Gonzales.  

Alam ni Gonzales ang haharapin nitong laban kontra sa Benilde kaya’t inaasahang ilalabas ng kanyang bataan ang lahat ng bomba nito para mapigilan ang Blazers.

“In the back of my head I know those coaches. Those coaches from Saint Benilde work hard so it’s going to be the same for us,” ani Gonzales.

 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with