^

PM Sports

PBA vs Japan, Taiwan, Korea

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Sa nangyayari ngayon, matindi ang labang hi­naharap ng Philippine Basketball Association (PBA) kontra sa Japan B. League, Taiwan League at Korean League.

Hindi natin masisisi ang pagtalon ng mga players sa ibang liga sa labas ng bansa kung mas malaki ang kanilang kikitain partikular na sa Japan.

Hindi naman natin puwedeng pagkaitan ng magandang kinabukasan ang mga players na gustong maging OFW na lang.

Kaya naman dumarami na rin ang mga local pla­yers ang umaalis para maglaro sa ibang bansa.

Kaya lang madami-dami nang magagaling na players ang nawawala dito sa atin.

Hindi rin nakakapaglaro ang iba sa national team kung saan kailangang-kailangan pa naman sila.

Paano kung lahat ng magagaling na players eh, maglaro na rin sa ibang bansa?

Alin lang iyan sa sa dalawa, mawawala iyong quality ng mga players sa PBA o tuluyang mawala ang PBA kung lahat eh, sa Japan na maglalaro.

Sana ay magkaroon ng resulta ang pakikipagma­butihan ng PBA sa Japan B. League.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with